Orange warning level itinaas ng PAGASA sa Northern Samar

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Martes (Aug. 27), orange warning ang umiiral sa Northern Samar.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar at maaring magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

Yellow warning level naman ang umiiral sa Sorsogon.

Ayon sa PAGASA, ang Samar Provinces at ang Bicol Region ay kabilang sa mga lugar na nakararanas ng hanggang sa malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Jenny.

Read more...