Water level ng Angat dam nasa 180.75 meters na

Patuloy na nadaragdagan ang water level ng Angat dam.

Ngayong alas 6:00 ng umaga ng Martes, Aug 27, sinabi ng PAGASA Hydrology na nasa 180.75 meters na ang water level ng Angat.

Ang Ipo dam ay tumaas din ang antas ng tubig at nasa 101.09 meters na, habang ang La Mesa dam naman ay nasa 77.11 ang water level.

Nadagdagdan din ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.

Maliban lamang sa San Roque dam at Caliraya dam na kapwa nabawasan ang antas ng tubig.

Read more...