Lalaki patay matapos manlaban sa ikinasang buy-bust ng mga otoridad sa Bulacan

Nasawi ang isang pinaghihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban umano sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Parulan, Plaridel, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Ron Aldrin Cruz, na ayon kay Lt. Col. Victorino Valdez ng Plaridel Police, sa halip na sumuko ay nagpaputok sa mga pulis na aaresto sa kaniya.

Sinabi ni Valdez na maituturing na “big-time: pusher sa lugar si Cruz na ang operasyon ay umaabot din sa Baliuag at sa Pulilan.

Nakuha kay Cruz ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit niyang kalibre .38 na baril.

Read more...