Sa abiso ng PAGASA simula gabi ng Martes hanggang umaga ng Miyerkules (Aug. 28) mas madalas na moderate to heavy rains ang iiral sa Cental Luzon, Metro Manila, northern portion ng Quezon, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Pangasinan, at Rizal.
Mahina hanggang katamtaman naman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Western Visayas at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Bukas naman ng umaga hanggang bukas ng tanghali ay mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Western Visayas, Mindoro Provinces, northern portion ng Palawan, Zambales at Bataan.
Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar sa posibleng pagbaha at landslide.