M3.2 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:13 ng madaling araw ng Martes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong walong kilometro Hilagang-Kanluran ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...