Sa panukalang House Bill (HB) 388 ni Quezon City Representative Alfred Vargas, planong ipagbawal ang homework sa mga elementary at high school students tuwing weekends.
Sa kanyang explanatory note, binanggit ni Vargas ang isang pag-aaral sa South Africa noong 2018 na nagsasabing ‘pahirap’ para sa mga mag-aaral at mga magulang ang homework.
May negatibo umanong epekto sa family life ang homeworks.
Sa panukala ni Vargas ang mga guro na lalabag ay haharap sa multang P50,000 at pagkakulong ng hindi lalampas sa dalawang taon.
Sa kanya namang HB 3611, nais ni Sorsogon Representative Evelina Escudero na ipagbawal ang homework sa mga estudyante mula kindergarten hanggang senior high school students sa buong linggo.
Nais ng mambabatas na maisagawa ang lahat ng aralin at aktibidad sa paaralan.
Sa panukala pa ni Escudero, bawal ipadala sa mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 6 ang school textbooks upang maiwasan umano ang masamang epekto ng bigat ng mga ito.
Wala namang probisyon para sa parusa ang panukala ni Escudero.