P14.6M halaga ng shabu nasabat sa Mandaue, Cebu

Nasamsam ang 2.15 kilos ng hinihinalang shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Mandaue City, Cebu Lunes ng gabi.

Ayon sa Mandaue City police, nakuha ang kontrabando sa loob mismo ng motorsiklo ni Vicente Dungog Jr.

Ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Sitio Mahusay sa Barangay Subangdaku bandang 6:00 ng gabi.

Nagkakahalaga ang hinihinalang shabu ng P14.6 milyon.

Ikinokonsidera ang suspek bilang high value target dahil kabilang ito sa drug watchlist ng pulisya.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...