Lalaki, patay matapos lagariin ng tiyuhin gamit ang chainsaw

Courtesy of Culaba police chief Lt. Isidoro Ancero, Jr.

Halos mahati ang katawan ng isang 30-anyos na lalaki makaraan siyang lagariin mismo ng kanyang uncle-in-law gamit ang chainsaw sa bayan ng Culaba, Biliran province.

Ayon kay Culaba police chief Lt. Isidoro Ancero, Jr., ang biktima ay nakilalang si Eduardo Rosquites.

Nakipag-inuman si Rosquites sa tiyuhin niyang suspek na si Roger Paje at isa pang katrabaho na si Edgardo Cañete.

Pero nang makatulog si Rosquites, bigla na lamang itong nilagari ni Paje gamit ang chainsaw mula ulo hanggang bandang puwitan.

Inilarawan ni Ancero ang pangyayari bilang pinakakagimbal-gimbal na pagpatay na kanyang nakita.

Sumuko naman si Paje pero iginiit nito na hindi niya alam ang kanyang nagawa.

Nanaginip umano siya na isang puno na kailangang maalis sa kanilang lugar ang kaniyang nilagari.

Ayon kay Ancero, sasampahan ng kasong murder si Paje.

Read more...