3 patay sa pananaksak sa Las Piñas

(UPDATE) Hindi hostage-taking kundi stabbing incident ang naiulat na krimen sa bahagi ng Balikatan, Bgry. CAA, Las Piñas City, Lunes ng hapon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Police Colonel Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City Police, batay sa kanilang imbestigasyon ay walang naganap na hostage-taking.

Ito ay dahil patay na ang biktimang si Reniel Nonato, ampon at pamangkin ng asawa ng suspek na si Renan Fulgencio, bago pa siya pasukuin ng pulisya.

Napatay din ni Fulgencio ang kapitbahay na si Danilo Bilog.

Tinangkang saksakin ng suspek ang pulis na umaaresto sa kanya dahilan para magpaputok ang pulis at mapatay ito.

Ayon kay Gran, selos ang tinitingnang motibo sa pagpaslang at napagbuntungan lang ang dalawang biktima.

Lumalabas na nakainom din ng alak si Fulgencio bago naganap ang insidente.

Read more...