Isinusulong sa Senado ang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng “single-use plastics” containers.
Layunin nito na mapangalagaan ang kapaligiran laban sa mga plastic products na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran.
Sa kanyang Senate Bill No. 40, sinabi ni Senator Francis Pangilinan na napapanahon ang pagsasabatas sa Single-Use Plastics Regulation and Management Act of 2019.
Layunin nito na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng disposable plastics, kabilang ang cellophane products na ginagamit sa bilang grocery bags, food packaging, films water bottles, straws, stirrers, styros, cups, sachets at plastic cutlery.
“The mismanaged plastic waste per day is due to the sachet economy of the country and its problematic waste disposal,” ayon pa kay Pangilinan.
Kapag ito ay naging ganap na batas, ang mga food establishments, convenience stores, supermarkets at retailers ay obligadong sumunod sa pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics.
Ang lalabag dito ay papatawan ng multa bukod pa sa posibleng business permit revocation.
Sa kabilang bansa, ang mga indibiduwal, kumpanya o mga samahang susunod sa batas ay bibigyan naman ng incentives.
Kasabay ntio ay naghain rin si Senator Cynthia Villar Senate Bill No. 333 or the Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019.
Layunin naman nito na makabuo ng isang Special Fund for Single-use Plastic Regulation.
Sa pag-aaral ng United Nations ay napag-alaman na higit sa kalahati ng mga plastic products ay nauuwi lamang bilang mga basura.
Kabilang sa listahan ng mga bansa na mataas ang bilang sa paggamit ng plastic products ay ang China, Indonesia, Thailand, Vietnam at Pilipinas.
Sa Pilipinas pa lamang ay umaabot na sa 164 million piraso ng sachets ang nagagamit araw-araw.
Kaugnay nito ay inilusad naman ng NutriAsia na siyang manufacturer ng Datu Puti Vinegar, Silver Swan, UFC Catsup at Mang Tomas ang pagbabawas sa paggamit ng plastic conainers sa pamamagitan ng eco-friendly strategies.
Kasama dito ang paglulunsad ng NutriAsia Inc. ng mga refilling station sa Metro Manila at ilang mga lalawigan.
Kabilang dito ang BYOB o “Bring Your Own Bottle” booths.