Duterte: Walang second chance para kay dating Mayor Antonio Sanchez

Inquirer file photo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na karapat dapat na bigyan ng second chance si convicted rapist at murdered at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa pag-aaral ni Pangulong Duterte sa Republic Act 10592 o good conduct time allowance ay hindi sakop nito ang mga bilanggong na convict sa mga karumal dumal na krimen gaya nang kinasasangkutan ni Sanchez.

Malinaw at categorical aniya ang batas.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Panelo ang akusasyon ni Judge Harriet Demetriou, ang hukom na nagbigay ng hatol kay Sanchez ng pitong counts ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilango na may kinalaman siya sa napipintong paglaya ni Sanchez.

Ayon kay Panelo, tinext niya kaninang umaga si Demetriou para sabihin na hindi na siya nakialam sa kaso ni Sanchez mula nang umalis siya bilang bahagi ng legal team ng dating alkalde noong 1995.

Si Panelo ay isa sa pitong abogado na dumipensa noon kay Sanchez.

Read more...