NPA officials sa Cagayan Valley sumuko sa PNP at AFP

Sumuko ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Isabela.

Ayon kay Cagayan Valley regional police director Brig. Gen. Jose Mario Espino, sumuko sa otoridad sina Joey Ramos alyas ‘Ka Jerome,’ kwarenta y otso anyos; at Baby Jane Morales alyas ‘Ka Barbi,’ trenta anyos.

Inayos ng ilang sundalo at pulis mula sa Isabela at San Mariano ang proseso ng pagsuko ng dalawa.

Ani Espino, si Ramos ay team leader at supply officer ng Team Un-Platoon Remo ng Reynaldo Pinon Command’s central front.

Mayroon din itong kinakaharap na arrest warrrant sa anim na kaso.

Hinikayat naman ni Espino ang mga rebelde sa Cagayan Valley na sumuko na para magkaroon ng mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga kaanak.

Read more...