Sa kabila ng mataas na mortality sa mga alagang baboy ay tiniyak ng Department of Agriculture na sapat pa rin ag suplay nito sa mga pamilihan.
Sa gitna na rin ito ng pinangangambahang posibleng pagpasok sa bansa ng African Swine Flu (ASF).
Ipinaliwanag ni Agriculture Sec. William Dar na bukod sa sapat ang suplay ng baboy ay nananatili pa rin ito sa kanyang presyo.
Habang papasok na ang “Ber” months sinabi ng kalihim na inaasahan nilang mas tataas pa ang demand sa suplay ng baboy.
Noong isang linggo ay sinabi ng ilang agriculture officials na posibleng hog cholera ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy pero hinihintay pa nila ang resulta ng iba pang laboratory tests na Europe.
Nais alamin ng pamahalaan kung nakapasok bas a bansa o hindi ang kinatatakutang ASF na nagresulta na sa pagkamatay ng mas maraming baboy sa ilang mga bansa.
Sinabi naman ng Department of Health na bagaman deadly ang ASF sa mga baboy ay wala naman itong epekto sa mga tao.
Pinapayuhan rin ang publiko na lutuing maige ang nasabing meat product.