Bagyong Jenny nakapasok na sa bansa

Isa nang ganap na Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa PAGASA weather bureau, naging ganap na tropical depression ang sama ng panahon bandang 2:00 ng hapon.

Tatawagin ang sama ng panahon na Bagyong Jenny.

Magsisimulang maglabas ang weather bureau ng Severe Weather Bulletin mamayang alas singko ng hapon.

Inaasahang mas lalong palalakasin ng bagong bagyo ang Habagat na magdadala ng mga ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Ito na ang ikasampung bagyo na pumasok sa bansa.

Read more...