Pangulong Duterte at MNLF Chairman Nur Misuari nagpulong muli

Ibinunyag ni Senador Christopher Lawrence Bong Go na nagkaroong muli ng pagpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari nitong weekend sa palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Go, tinalakay ng dalawa ang inilalatag na kapayapaan sa Mindanao.

Nangako aniya si Misuari na tutulong sa pagpapanatili ng katahimikan sa Mindanao region.

Ayon kay Go, nagkasundo sina Pangulong Duterte at Misuari na magkaroon ng follow up meeting kung saan magkakaroon ng panel ang pamahalaan at MNLF.

Ani pa ni Go, “Yung usapan, maybe magkakaroon pa ng mga follow-up meetings but between bigger (?) group na po. Siguro maybe para panel na yung makikipag-usap on both sides kung papaano po ma… Patuloy na lang po natin yung kapayapaan po sa Mindanao. Tutulong po si Nur Misuari.”

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na nagpulong sina Pangulong Duterte at Misuari sa loob ng taong ito.

Read more...