Ayon kay Dr. Nick Santos ng Manila VIB, ang packaging ng mga naturang produkto na nakarehistro sa Tristar Frozen Products ay may Chinese letters pero walang translation sa English.
Wala ring nakasaad na expiration dates.
Umaalingasaw na ang amoy ng mga nakumpiskang seaweeds kung saan ang ibang timba ay nasa loob pa mismo nh CR.
Isa naman ang arestado, dahil naaktuhan na ang sasakyang minamaneho niya ay mayroong kargang frozen goods kung saan ayon dito dinadala ang mga produkto sa mga mall at restaurants sa Binondo at Divisoria.
Isasailalim ang mga produkto sa laboratory test, upang malaman kung ligtas na ang mga ito sa public consumption.
Iisa ayon kay Santos ang may-ari ng warehouse at ang mga frozen meat products na nakumpiska sa Tondo kagabi kabilang ang mga karne ng baboy, manok at Chinese dimsums na fishball, sharks fin at kikiam.