Ngunit ayon pa rin kay Drilon umangal na agad ang COA sa hirap na makakuha ng mga inpormasyon at documento para sa isasagawang audit.
Dagdag pa ng senador maaring ang mga nabunyag na ‘diumano’y anomalya ay simula pa lang at maaring marami pa ang madiskubre.
Aniya dapat pag usapan nina COA Chair Michael Aguinaldo at Philhealth President Ricardo Morales ang mga mekanismo sa isasagawang special audit para malaman ang tunay na lagay ng pondo ng ahensiya.
Nangangamba si Drilon na kapag hindi naging maayos ang paggamit ng pondo ng PhilHealth lubos na maapektuhan ang public health system ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES