Pagdiriwang ng “Pasigarbo sa Sugbo 2019” naging mapayapa

Photo via CDND
Naging mapayapa ang selebrasyon ng “Pasigarbo sa Sugbo 2019” na ginanap sa Cebu City Sports Center.

Ayon sa Cebu Police Provincial Office (CPPO), wala silang naitalang krimen o insidente ng karahasan mula noong Sabado, August 24 hanggang Linggo, August 25.

Wala ring lumabag sa ordinansa laban sa pag-inom ng alak sa mga lansangan na ipinatupad sa lungsod.

Sa pagtaya ng Provincial Command Center, nasa 30,000 ang dumalo sa street dancing activities.

Samantala, big winner ang Kabkaban Festival of Carcar City na nagwagi ng first place sa Ritual Showdown at Street Dancing competition.

Nanalo din ang nasabing grupo sa Best in Festival Costume at Best in Festival Jingle.

Read more...