Pangulong Duterte todo ang paghahanda para idiga ang arbitral ruling kay Chinese President Xi Jinping

Ibinunyag ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na todo ang paghahanda ngayon ni Pangulong Rodrigo duterte para sa nakatakdang bilateral talks kay Chinese President Xi Jinping.

Biyaheng Beijing si Pangulong Duterte sa August 28 hanggang September 1 para idiga kay Xi ang ruling ng permanent court of arbitration na hindi kinikilala ang “Nine Dash Claim” ng China sa South China Sea.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, sinabi ni Go na poprotektahan ni Pangulong Duterte ang karapatan ng bansa at ng mga Filipino dahil sa puso ng pangulo, tunay siyang Filipino.
Ibinuyag din ni Go na marami nang naririnig ang pangulo na huwag nang isulong sa meeting nila ni President Xi ang karapatan ng Pilipinas sa South China Sea pero base sa pagkakakilala niya sa pangulo, hindi ito magpapapigil.

Ayon kay Go, ang kapakanan ng mga Filipino ang palaging nasa unang listahan ng pangulo.

Read more...