Beteranang aktres na si Mona Lisa pumanaw sa edad na 97

Pumanaw na sa edad na 97 ang beterang aktres na si Mona Lisa.

Ayon sa kaniyang mga anak na sina Evangeline Bocobo at Kathleen Guinto, pumanaw habang natutulog ang kanilang ina ala 1:14 ng hapon ng Linggo, August 25 sa kanilang tahanan sa BF Homes sa Paranaque City.

Ang aktres ay pinuri sa kaniyang pagganap sa mga pelikula ni Lino Brocka na “Insiang” at “Cain at Abel”.

Bedridden na si Mona Lisa o Gloria Yatco Guinto sa totoong buhay mula taong 2016.

Huling napanood ang aktres sa pelikula ni Nick Deocampo noong 1998 na “Mother Ignacia, Ang Uliran.”

Read more...