WATCH: Recovery program ng DA sa mga nasalantang magsasaka sa Ilocos Norte, sinimulan na

Inumpisahan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng flash flood sa Ilocos Norte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, simula na ngayong araw ng Lunes, Aug. 26 ang recovery program ng DA sa lalawigan.

Bibigyan aniya ng mga butong pananamin ang mga nasalantang magsasaka at bibigyan sila ng P25,00 na loan assistance, zero interest at payable in 3 years.

Pawang pananim na palay, mais at gulay ayon kay Dar ang naapektuhan ng pagbaha.

Umabot na aniya sa P120 million ang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Norte.

At dahil mayroon pang Low Pressure Area n na magiging isang bagyo at sa Northern Luzon din tatahak, may payo na ang DA sa mga magsasaka.

Ayon kay Dar, ngayon pa lamang ay dapat anihin na ang mga pananim na mapapakinabangan pa at ang mga alagang hayop naman ay dalhin sa matataas na lugar.

Read more...