Ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc, sa kabuuan nakapagtala na sila ng P589 million na halaga ng pinsala sa agrikultura at sa imprastraktura.
Umabot sa 20,000 residente sa lalawigan ang naapektuhan mula sa mahigit 100 mga barangay.
Ayon kay Manotoc, nakatanggap naman na ng tulong ang lalawigan mula sa national government partikular sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinasalamatan din ng gobernador ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Air Force, Coast Guard, at Maritime Commands na nagtulung-tulong sa rescue operations sa kasagsagan ng naranasang matinding pagbaha,
Gayundin sa Energy Development Corporation (EDC) sa pag-restore sa suplay ng kuryente at sa Department of Agriculture (DA) sa tiyak na tulong para sa mga apektadong magsasaka.
Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan.