Ito ang kunumpirma ngayon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.
Ayon kay Go, ayaw kasi ng pangulo na makalaya mula sa New Bilibid Prisons (NBP) si Sanchez.
Una nang umani ng batikos ang napipintong paglaya ni Sanchez matapos pairalin ang Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance na maaring makalaya ang isang bilanggo kapag nagpakita ng magandang pag-uugali sa loob ng kulungan sa loob ng itinakdang panahon.
Ayon kay Go, pinag-aralan ni Pangulong Duterte ang nasabing batas at nakasaad doon na hindi kasama ang heinous crime.
Sa panig ni Go, sinabi nito na hindi rin siya pabor sa paglaya ni Sanchez.
Ayon kay Go, hindi na dapat na mangarap si Sanchez na makalabas ng kulungan dahil tiyak na iiksi lanang ang kanyang buhay.
Mas makabubuti aniyang manatili na lamang si Sanchez sa kulungan at hintayin na lamang na hatulan ni San Pedro.