Amerikano nahulihan ng marijuana sa NAIA

PDEA Photo

Isang American citizen ang inaresto ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng PDEA-NCR matapos makuhaan ng marijuana sa Terminal 2, araw ng Linggo.

Nakilala ang suspek na si Geoffrey Wai Hin Tsui, 30 anyos, isang transit passenger mula Los Angeles na patungo sanang Singapore.

Ayon kay PDEA-NCR officer in charge Atty. George Paul P. Alcovindas, hinarang ng mga operatiba si Tsui sa Transfer Screening Checkpoint.

Nakuha mula sa suspek ang isang stick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na itinago pa sa loob ng kaha ng sigarilyo.

Mahaharap ngayon ang foreign national sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...