Lalaki natagpuang patay sa harap ng paaralan sa Quezon City

Natagpuang patay ang isang construction worker sa harapan mismo ng isang paaralan sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ayon kay Batasan Police Station chief Police Col. Joel Villanueva, kinilala ang biktima na si Roel Pugar.

Natagpuan ng isang tindera ng gulay sa bahagi ng Gate 2 ng Bagong Silangan High School si Pugar bandang alas-8:30 ng gabi.

Duguan ang biktima at may mga taga sa leeg.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, isa si Pugar sa mga gumagawa sa gusali sa loob ng eskwelahan.

Posibleng nagkainuman umano ang mga construction workers bago naganap ang insidente matapos makita ang mga bote ng alak sa crime scene.

Mayroon ng dalawang persons of interest ang mga pulis at patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaslang.

Read more...