Tema ng National Heroes’ Day ngayong taon ay ang “Pagkilala sa Bayaning Pilipino: Matapang, Magiting at Makabayan”.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), si Duterte kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang mangunguna sa flag-raising at wreath-laying ceremonies ngayong alas-8:00 ng umaga.
Ang National Heroes’ Day ay unang ginunita taong 1931.
Mula 1931, itinakda ang holiday tuwing huling Linggo ng Agosto hanggang sa lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act 9492 noong 2007 na naglilipat sa mga regular at nationwide special holidays sa susunod na araw kung papatak ito sa araw ng Linggo.