Sa nasabing halaga, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na P263 milyon dito ay pinsala sa mga imprastraktura.
Nasa siyam na kalsada, apat na tulay at dalawang flood control structures ang nasira sa mga barangay sa Ilocos Norte.
Samantala, nasa P19,571,654 naman aniya ang nasira sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Pinakamalaking pinsala aniya rito ang mga palayan na lumubog sa tubig-baha.
Hindi rin nakatakas ang ilang alagang hayop dahil sa matinding baha sa lalawigan.
Sa tala ng ahensya, dalawa katao ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan dahil sa bagyo.