DA, magbibigay ng emergency financial assistance sa mga biktima ng Bagyong Ineng sa Ilocos Norte

Magbibigay ng emergency financial assistance ang Department of Agriculture (DA) sa mga biktimang naapektuhan ng Bagyong Ineng sa Ilocos Norte.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, aayudahan ng kanilang hanay ang mga magsasaka matapos isailalim sa state of calamity ang Ilocos Norte.

Sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program, pauutangin ang mga magsasaka ng hanggang P25,000 at babayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Nabatid na ang DA-Agriculture Credit Policy Council ang magdi-disburse ng pondo sa pamamagitan ng Nueva Segovia Cooperative.

Read more...