Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Cagayan, Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 9 kilometers Southwest ng Claveria bandang 2:59 ng hapon.
11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa kaparehong bayan sa Cagayan.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES