Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, hanggang September 6 na lamang ang deadline ng pagkuha ng condonation program.
Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ng SSS ng penalty ang mga employer na hindi nagbayad para sa kanilang mga empleyado sa halip pagbabayarin na lamang ng mga unpaid premiums.
Ayon kay Ignacio, as of July 2019, umabot na sa P795 milyon ang unpaid premiums ang nakolekta ng SSS mula sa 31,000 na employers o katumbas ng 307,000 na empleyado.
Umabot na sa P1.67 bilyon halaga ng worth of penalties ang na condone ng SSS.
Ayon kay Ignacio, aabot pa sa 70 percent na delinquent employers ang hindi pa nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga emplayado.