Nag-ugat ang reklamo ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre III sa mga isinulat ni Tulfo sa kanyang column at sa Facebook posts nito.
Nadamay din sa isinampang four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel ni Aguirre sina Manila Times owner Dante Ang; Chief Operating Officer Blanca Mercado; Publisher-Editor Nerilyn Tenorio; News Editor Leena Chu at National Editor na si Lynette Luna.
Humihingi si Aguirre ng P150 million na moral damages at mahigit P50 million sa exemplary fees at attorney’s fees sa kanyang mga inireklamo.
Ang kaso ay bunsod ng mga sumusunod na columns na lumabas sa print at online version na manilatimes.net: “Living the life of the rich and famous” lumabas noong April 11, kung saan binansagan si Aguirre bilang protektor ng human trafficking syndicate sa NAIA.
Bukod dito, nag-issue rin diumano si Aguirre ng circular na inalisan ng power si Immigration Commissioner Jaime Morente para mag-assign at reassign ng mga bureau personnel.
May mga sumunod pang mga artikulo na ayon kay Aguirre ay pawang malisosyo, walang basehan at panirang puri.
Aniya sinira ng mga kolumn ang kanyang integridad at pagkatao dahil tinawag siyang protektor ng sindilakato at tumatanggap ng suhol.
Paniwala ni Aguirre, paghihiganti ang motibo ni Tulfo sa pag atake sa kanyang pagkatao ay dahil sa isang hirit nito na hindi niya napagbigyan.