Unang krimen sa kalawakan, iniimbistagahan ng NASA

Sinisiyasat ng United States space agency na NASA ang sinasabing kauna-unahang krimen sa kalawakan.

Ayon sa ulat ng The New York Times noong August 24, akusado si astronaut Anne McClain sa kasong identity theft at improper handling ng mga financila records ng kaniyang asawa na nasa anim na buwang mission sa International Space Station (ISS).

Nagsampa ng reklamo si Summer Worden sa Federal Trade Commission (FTC) makaraang malaman ang ginagwa ni McClain sa kaniyang bank accounts ng walang permiso.

Bukod sa FTC, nagsampa rin ng kaso ang pamilya ni Worden sa Office of the Inspector General ng NASA.

Si McClain na kababalik lang nitong June sa Earth ay isa sa dalawang babae na naglakad sa buwan.

Hindi pa sumasagot ang FTC matapos ang magsusumite ng reklamo ngunit tinitignan na ng NASA ang naturang insidente.

Read more...