Pahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa gitna ng mga batikos sa posibilidad na paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na hinatulang ng pitung bilang ng habambuhay na parusang pagkakakulong.
Si Sanchez ang pangunahing akusado na hinatulang guilty sa rape-murder case kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez noong 1993.
Ayon sa kalihim, magiging pansamantala lamang ang nasabing pagpapahinto at kinakailangan lamang na maghintay nang kaunti pang panahon ng mga bilanggong nag-apply ng GCTA.
Sabi ni Guevarra, kailangan pang i-recompute ang mga isinilbi sa piitan ng mga nag-apply ng GCTA.
Una nang sinabi ni Guevarra, na maaari umanong mapalaya si Sanchez dahil sa nasabing batas.