North Korea nagpakawala ng dalawang short-range ballistic missile

Muling nagpakawala ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missle artaw ng Sabado, August 24.

Mismong si North Korean leader Kim Jong Un ang nanguna sa test-firing sa naturang bagong gawang armas.

Sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) isang “super-large multiple rocket launcher” ang kanilang pinalipad.

Sinabi ni Kim na ang “newly developed” system na ito ay maituturing “great weapon” para sa South Korea.

Pinuri rin nito ang mga scientists na nagdisenyo at gumawa ng naturang armas.

Iginiit din ng opisyal, kailangan nilang palakasin ang kanilang weapon development dahil na rin sa military threats at pressure mula sa aniya’y “hostile forces”.

Dahil sa hakbang na ito ng North Korea, nag-convene sa isang National Security Council ang presidential Blue House ng South.

Read more...