Ayon ito kay Senator Imee Marcos na tumututol din sa pagbuhay muli ng mandatory ROTC para sa mga mag-aaral ng senior high school.
Ani Imee, bagamat nagpalabas ng Executive Order 59 series of 1967 na compulsory ROTC sa mga mag-aaral sa kolehiyo ngunit alangan din umano ang kaniyang ama.
Sabi umano ng ama ni Imee, hindi mapipilit ang mga bata na sumali sa ROTC kung ayaw nila.
Isinusulong naman ni Imee na gawin na lang optional sa mga paaralan ang ROTC upang maging makabayan ang mga mga estudyante.
Magugunita na State of the Nation Address (SONA) ay hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na muling buhayin ang ROTC sa mga paaralan.