Angat Dam, malapit ng maabot ang minimum operating level

Malapit ng maabot ng Angat dam ang minimum operating level nito na 180 meters.

Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, umakyat na 178.63 meters ang antas ng tubig sa Angat.

Tumaas ito ng .30 meters mula sa 178.30 kahapon dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.

Nadagdagan din ang tubig sa La Mesa, Ipo, Ambuklao, at Pantabangan dams.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Magat, at Caliraya dams.

Read more...