Isinailalim ang Vintar sa sa state of calamity dahil sa mga pagbaha na lumunod sa mahigit 100 hayop, mga nasirang tulay, at mga residenteng na-stranded sa isang barangay.
Inanunsyo naman ng Office of Civil Defense (OCD) ng Laoag City ang State of Calamity dahil sa matinding pagbaha at mga landslides na nag-iwan ng dalawang patay.
Kinilala ang mga biktima na sina Ricky Manlanlan ng Laoag City na nalunod at Pauline Joy Corpuz na natabunan ng lupa sa landslide.
Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO), nasa 109 barangay ang lubog sa baha kung saan mahigit 4,000 pamilya ang apektado na nagsilikas na sa kani-kanilang mga lugar.
May mga ilang daanan at tulay pa rin naman ang hindi madaanan dahil napinsala ng bagyong nagdaan.