Batay sa taunang ulat ng Commission on Audit (COA), hindi nakapagbayad ang may-ari ng 3,308 fish cage at fish pen na nasa 110 or 3.3 posyento lang ang nagbayad upang makapangisda sa nasabing lawa.
Sa ilalim ng batas, oligado ang LLDA na mangolekta ng P6,000 kada ektarya ng fish pens habang P4,200 kada ektarya ng fish cages.
Kung hindi naman makokolekta, obligado ang ahensya na hindi muna ibigay ang taunang permit.
Ayon sa COA, ang maliit na bilang ng nagbabayad ngayong taon maaaring dahil sa hindi maayos na proseso ng pangongolekta matapos alisin ng LLDA ang 2017 moratorium sa aquaculture operations.
Paliwanag ng COA, naglabas ang gobyerno ng isang taong moratorium noong February 2017 kung saan inatasan ang lahat ng operator na ubusin na ang kanilang fish stocks bago ang March 2017 at wala ng bagong new stocking ng fingerlings ang papayagan.
Makalipas ang apat na buwan, tinanggal ang moratorium kung saan ang LLDA Board inamyendahan ang dating resolution na maglimita na lamang sa operating permitpara sa mga mag-ari.
Sa bagong moratorium, nilimitahan na rin ang paglalagay ng mga fish cage ofish pen ng hanggang 25 ektarya na lang.