Bagyong ‘Ineng’ lumabas na ng PAR; bagong LPA, binabantayan
By: Clarize Austria
- 5 years ago
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibily (PAR) ang Severe Tropical Storm ‘Ineng’ kagabi at namataan ito Linggo ng umaga sa 500 kilometro silangan-kanluran ng Basco, Batanes.Bagamat nakabas ng PAR, patuloy na magpapaulan ang hanging Habagat sa kanlurang bahagi Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan, ka lat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.Makakaranas din ng maulang panahon ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.Magiging maulap na may isolated rainshowers at thunderstorms ang Eastern at Central Luzon.Sa Bigol ay may maaliwas na pahahon na magkakaroon ng scattered rainshowers at isolated thunderstorms bandang hapon o gabi.Maaliwalas din ang panahon na may isolated thunderstorms bandang hapon at gabi sa bahagi ng Visayas at Mindanao.Binabantayan naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang panibagong Low Pressure Area (LPA) na namataan sa 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at inaasahang papasor ng PAR sa Lunes (August 26).Kung magiging ganap na bagyo ang LPA, maari itong tumama sa Northern at Central Luzon.