Nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) Special Enforcement Squad at National Meat Inspection Service (NMIS) ang 60 kilos ng ipinagbabawal na meat products mula China.
Ang banned Chinese meat products, na nagkakahalaga ng mahigit P20,000, ay nakuha sa Aranque Market Sabado ng hapon.
Ayon sa NMIS, kabilang sa kontrabando ang karne ng baka, baboy at peking duck na ipinagbawal ng China para ma-export.
Dahil dito ay inutusan ni Mayor Isko Moreno ang Bureau of Permits and Licenses Office (BPLO) na isara ang lahat ng tindahan na nagtitinda ng illegally imported meat products.
“Ang lahat ng tindahan na magca-cater ng ilegal na karne, lalo na ‘yang galing sa China na hindi allowed, babala ko po sa inyo, iwi-withdraw namin ang business permit ninyo,” ani Moreno.
Kahit anya legal ang ibinebenta pero mayroon namang mga banned products ay ipapasara ng lokal na pamahalaan ang buong negosyo.
Pinapasuri na rin ni Mayor Isko sa Manila City Legal Office ang kaukulang kaso na maaaring isampa laban sa nahuling meat shops.