Johnriel Casimero pinatumba si Cesar Ramirez sa 10th round

Alvin S. Go photo

Napanatili ni Johnriel Casimero ang kanyang WBO interim bantamweight title matapos nitong patumbahin si Cesar Ramirez sa 10th round ng kanilang laban sa Maynila.

Dahil sa panalo, magiging mandatory challenger ni Casimero sa huling bahagi ng taon si Zolani Tete ng South Africa na regular WBO champion.

Nagpakawala si Casimero ng right hook sa mukha ni Ramirez na naging dahilan ng knockout.

 

Sa ngayon ay mayroon ng 19 knockouts ang 29 anyos na si Casimero at may record na itong 28 wins 4 loss.

Pero hindi naman naging madali para kay Casimero na talunin si Ramirez.

Nagpakita rin si Ramirez ng lakas nito nang puro atake ang kanayng ginawa sa kalagitnaan ng laban.

Read more...