CHR hinikayat ang gobyerno na huwang magpadalos-dalos sa pagpatupad ng batas.

Pinayuhan ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno na maging maingat sa pagpatupad ng mga batas.

Tinutukoy ng tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jaqueline Ann de Guia ang balitang pagbigay ng pardon kay convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, alinsunod sa batas na Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay De Guia, dapat tiyakin ng gobyerno na tanging mga kwalipikadong preso na talagang nagpakita ng magadang asal sa loob ng kulungan ang makakatangap ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni De Guia na kung ang mapapalayang preso ay hindi karapat-dapt sa nasabing batas, ito ay maaari lang mag dulot ng kawalang hustisya sa bansa.

Sinabi pa ng CHR na kailangang mapanatili ang hustisya at proteksyon sa mga karapatan ng tao, kaya dapat makatuwiran ang pagpatupad ng mga batas sa bansa.

 

 

 

 

 

Read more...