Ilang POGO hubs sa QC nadiskubreng walang clearances para magnegosyo

Nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ilang Philippine offshore gaming operators (POGO) sa Eastwood City, Libis ang walang kaukulang clearances.

Sa sorpresang inspeksyon ni Mayor Joy Belmonte, nabunyag na ilang POGO hubs ang walang mga clearance para magnegosyo sa lungsod.

Kabilang ang sanitary permit, location clearance, occupational permit ng mga empleyado, sanitary permit at environmental clearance.

Dahil dito ay naglabas si Belmonte ng notice of violations laban sa naturang mga online casinos.

Binigyan ng 15 araw para sumunod sa nasabing mga requirements ang mga kumpanyang Omniworld Enterprise Inc., Great Empire Gaming and Amusement Corporation at Singtech Enterprise Inc.

Layon ng hakbang na matiyak na nasusunod ng mga kumpanya ang alituntunin ng Quezon City local government.

Ayon kay Belmonte, kung hindi sumusunod ang kumpanya ay nahaharap ito sa mga parusa.

 

Read more...