Higit P1.3 milyong halaga ng droga nasamsam sa Quiapo, Manila

PDEA photo

Nasamsam ng mga otoridad ang P1.3 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quiapo Manila, bandang alas-2:30, Sabado ng hapon, August 24.

Target ng mga otoridad ang suspek na si Saiben Alamada, 20-anyos, isang tricycle driver at residente ng Barangay 381, Zone 39, Quiapo Manila.

Nakuha ng mga otoridad mula sa suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000, isang cellular phone at P1,000 na buy-bust money.

Sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR), nakabili ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nahaharap sa uspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Noel)

Excerpt: Nakuha mula sa suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000, isang cellular phone at P1,000 na buy-bust money.

 

Read more...