Mga CR sa Quezon City Hall nilagyan ng all gender-neutral signs

QC PIO photo

Nilagyan ng all gender-neutral signs ang mga comfort rooms sa Quezon City Hall na pinangangasiwaan ng mga tauhan ng general services ng lungsod.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa Quezon City Ordinance 2357-2014 o Quezon City Gender-Fair Ordinance.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na kailangan maglagay ng all-gender na nga palikuran ang mga ahensya ng gobyerno, pribadong opisina at mga commercial at industrial establishments.

Kamakailan lang, muling pinaalala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga may-ari ng gusali o mga negosyo sa lungsod na tumalima sa Gender-Fair Ordinance.

Ito ay sa gitna ng isyu sa transgender woman na si Gretchen Diez na hindi umano pinagamit ng banyong pambabae sa isang mall sa Cubao.

Ang Quezon City ang pinaka-unang lokal na pamahalaan na nagpatupad ng Gender-Fair Ordinance.

Read more...