Año: Sanchez dapat mag-serve ng buong sintensya nito

GRIG C. MONTEGRANDE

Naniniwala si Interior Secretay Eduardo Año na pagkutya sa batas at justice system ng bansa kung maagang mapapalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted sa paggahasa at pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) Los Baños.

Ayon kay Año, dapat na mag-serve si Sanchez ng buong sintensya nito.

“Kailangan niyang panagutan hanggang sa huling minuto ang hatol sa kanya. He must serve his entire sentence. Kapag pinalaya natin ‘yan ng maaga, we would have punctured a hole in our own justice system,” pahayag ng kalihim.

Sinabi ito ni Año kasunod ng anunsyo ni Justice Secretay Menardo Guevarra na kabilang si Sanchez sa mahigit 10,000 inmates na malapit nang mapalaya dahil sa “good conduct.”

Ito ay alinsunod sa batas na nagtaas sa kanilang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Pero iginiit ni Año na rape with double murder ang kaso ng dating alkalde at reponsable ito sa pagkamatay ng dalawang matalino at mabuting estudyante.

Suportado ng kalihim ang posisyon ng Department of Justice (DOJ) na hindi palayain si Sanchez.

Una nang sinabi ng Malakanyang na hindi eligible si Sanzhez sa GCTA habang si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon ay binanggit ang mga nagawang paglabag ng convict habang nakakulong gaya ng nakuhang droga at ilang mga kagamitan sa kubol nito.

 

Read more...