Mahigit P50 na rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ng Petron

lpgSinalubong ng magandang balita ang publiko ngayong unang araw ng 2016.

Ito ay matapos magpatupad ng mahigit 50 pesos na kaltas sa presyo ng LPG o cooking gas ang kumpanyang Petron.

Sa abiso ng Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, binawasan ng P4.85 ang kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng P53.35 centavos na bawas sa kada 11 kilogram na tangke.

Samantala, bawas na P2.70 naman ang ipinatupad ng Petron sa kanilang auto LPG.

Read more...