Ayon sa Pagasa, nag-landfall na ang Bagyong Ineng sa Taiwan.
Sa severe weather bulletin # 18 (Final) na inilabas alas 8:00 ng gabi, bumilis ang Bagyong Ineng matapos ang paglabas nito ng PAR alas 6:00 ng gabi.
Huling namataan ang Tropical Storm 395 kilometers north northwest ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kilometers per hour at bugsong 125 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa west nortwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil sa paglabas ng bagyo ay wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.
Matinding ulan ang idinulot ng bagyo sa Luzon lalo na sa Ilocos Norte kung saan naiulat na isang batang babae ang nasawi sa landslide sa Barangay Surong, Pasuquin at dalawang batang lalaki ang nasugatan.