Mga dating bodyguards at kapwa convicts ni Sanchez ipinahahanap ni Drilon

Inquirer file photo

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang anim na dating mga bodyguards ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ang nasabing mga tauhan ni Sanchez ay nahatulan rin na makulong dahil sa rape-murder case ni Eileen Sarmenta at murder naman para kay Allan Gomez noong 1993.

Kaugnay nito ay lamang ng Resolution No. 106 ni Drilon na magpatawag ng imbestigasyon ang Committee on Justice and Human Rights para malaman kung ano nahuli ba o hindi ang mga tauhan ni Sanchez.

Nais ring alamin sa nasabing imbestigasyon kung entitled ang dating alkalde sa Republic Act No. 10592 na pwede maging daan para makalabas ito sa kulugan sa pamamagitan ng good conduct time allowances (GCTAs).

Sakop ng desisyon ng Supreme Court ang nasabing amyenda sa Revised Penal Code na pinagtibay noong 2013.

Nauna nang sinabi n Dedpartment of Justice na hindi sakop ng batas si Sanchez dahil sangkot ito sa heinous crime.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabi na hindi siya papayag na mapagaan ang sintensya sa dating alkalde ng Calauan, Laguna.

Read more...