Inabot ng tubig baha ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat na mas pinalala pa ng bagyong Ineng.
Sa kuhang larawan at video ng ilang netizen ay kanilang ipinakita na halos umabot ng hanggang tuhod ang baha sa paliparan.
Ito rin ang dahilan kaya na-divert sa Clark International Airport ang ilan sa mga flights na nakatakda sanang magtake off at bumaba sa NAIA.
Maaga pa lamang kanina ay halos hindi na makita ang kapaligiran ng paliparan dahil sa matinding ulan.
MOST READ
LATEST STORIES